
I DON'T DIET. I JUST EAT ACCORDING TO MY GOALS.
Kahit ano pa ang Fitness goal mo, siyempre you have to eat healthy foods at mag exercise.
Iba iba kasi ang Fitness Goal ng
bawat isa, lose weight, build muscle, gain weight, get “toned”
Increase strength, improve
performance, get in shape, lose fat.
Here Are some of my awesome tips
on how to achieve your Fitness Goals.
- Discipline –
- Workout Programs or Routines
- Consistency
- Proper Supplementation
- Hire a Personal Trainer kung kaya lang ng budget.
A personal trainer is a great way to achieve your fitness
goals. Whether you want to lose weight, build bulky muscles or improve your
general fitness, having a personal trainer will keep you motivated and
challenged.

A great aerobic exercise, strength training, helps in building endurance and burns a high percentage of bodyfat. But before you do this exercise mag warm up at stretching muna for atleast 5 mins. A bit challenging especially sa mga beginners.
How to do it
1. Be in a standing position and then put your feet shoulder-width apart. Start lowering your body until you reach a squatting position with your hands still placed on the floor in front of you.
2. Start kicking your feet back in order to come to a push-up-position. Keep your arms firmly on the floor in order to support your body.
3. Lower the chest to perform a push-up. Start bringing your chest back up.
4. Put your feet back to the original position. Stand up and jump in the air as you clap your arms overhead.
5. Do atleast 4 sets betweent 10 to 12 repetitions. Every set mag rest atleast 1 minute.
Bodybuilding Diet: Eggs & Oatmeal!
Good source of protein,fiber and complex carbs.
This is a good meal especially before or after workout.
1 of my secret meals! :)


Get in Shape Now!


NUTRICIOUS NA! YUMMY PA!!
NATIVE sa Mexico at Central America, kilala ang abokado sa pagkakaroon ng maraming benepisyo, bukod sa masarap na lasa.
Kainin
man ito nang hilaw o katasin para maging malinamnam na inumin,
nararapat lamang na maging bahagi ito ng ating pang-araw-araw na dieta,
lalo na dahil sa nagpapataas ito ng ating mineral at vitamin intake, at
makapagpapababa din ng long-term risk ng iba’t ibang mga
sakit—kabilang na ang ilang nakamamatay na karamdaman.
Kung hindi pa rin makatiyak kung sisimulang kumain nang regular ng abokado, narito ang anim na dahilan para gawin ito.
1. MAYAMAN ANG ABOKADO SA CAROTENOIDS
Naglalaman
ang abokado ng maraming nutrient, at ang carotenoids (partikular ang
lutein) ang pinakamahalaga, lalo na dahil nagbibigay ng proteksyon
laban sa sakit sa mata. Ang ating paningin ang isa sa pinakamahalaga
nating asset, at habang ito ay humihina habang tayo ay nagkaka-edad,
mayroon din tayong magagawa para bumagal ang proseso o pagalingin ang
eye disease, sa ilang kaso. Nagsisimula ito sa maganda, balanse at
masustanysang dieta—kabilang ang kahit isang abokado kada araw, dahil
ito ang pinakamagaang na paraan para makakuha ng carotenoids (mula sa
lutein at alpha-carotene hanggang beta-carotene, tocopherol at
zeaxanthin) na kailangan ng ating katawan.
2. NAGPAPABABA ANG ABOKADO NG CHOLESTEROL
Alam
n’yo na siguro na may dalawang uri ng cholesterol: ang ‘good’
cholesterol at ‘bad’ cholesterol. Ang huli ay maaaring makapinsala sa
mga daluyan ng dugo (arteries) at mga vital organ, kung walang gagawin
para mapigilan ito. Lumilitaw na ang mga fatty food at sugar ang
pangu-nahing dapat sisihin sa mataas na level ng bad cholesterol,
subalit mabuti na lang at madali itong makontrol sa pamamagitan lamang
ng pagkain ng abokado sa regular basis. Sa pagkain ng abokado,
napapababa ang ating cholesterol sa mabilis, epektibo, natural at alang
side-effect- na paraan—dahil na rin sa mataas na amount ng oleic acid
na makikita sa prutas. Sa pagpapababa ng level ng LDL cholesterol dahil
sa mataas na folate content, pinapababa rin ng abokado ang banta ng
sakit sa puso.
3. MAHUSAY ANG ABOKADO SA PAG-IWAS SA PAGIGING OVERWEIGHT
Kung
nagpapababa ng timbang, wala nang mas mainam at epektibong paraan
kaysa pagkain ng abokado, at dahil sa mahalagang kadahilanan. Mayaman
ang prutas sa fiber, na kilala sa pagpapabusog ng tiyan at nagpapatagal
ng pakiramdam ng pagiging busog sa mas mahabang panahon. Sa average,
naglalaman ang isang medium-sized na abokado ng mahigit sa 7 gramo ng
fiber, na parehong soluble (natutunaw) at insoluble (hindi natutunaw).
Mahalaga ang fibers sa kalusugan ng ating immune system—lalo na sa
soluble fiber, dahil nakatutulong ito para tunawin ang mga
carbohydrates.
4. PINAGAGANDA NG ABOKADO ANG BLOOD PRESSURE
Ang
hypertension ay isang kondisyon na nakaaapekto sa milyon-milyong tao
sa buong mundo, at sa kasawiang-palad ay binabalewala ito dahil sa
asymptomatic, na ang ibig sabihin ay madalas wala itong ipinapakitang
sintomas. Gayon pa man, maraming tao ang nagkikibit-balikat sa kondisyon
nila ng hypertension hanggang huli na at nagkaroon na ng matin-ding
pinsala sa kanilang puso, mga ugat at daluyan ng dugo (veins at
arteries). Makatutulong ang abokado para pababain ang blood pressure sa
natural at epektibong paraan, dahil mayaman ito sa potassium at
magnesium—dalawang mahalagang compound para sa pagbibi-gay lunas sa
hypertension. Sa katunayan, mas mayaman ang abokado sa dalawang nutrient
kaysa ibang prutas, tulad ng saging o kiwi fruit.
5. PINAGAGANDA NG ABOKADO ANG DALOY NG DUGO PARA MAGING MALUSOG ANG UTAK
Magkaugnay
ang dalawang aspetong ito, dahil maaari lang maging malusog ang utak
kapag maganda ang daloy ng dugo sa buong katawan. Subalit
napakapangkaraniwan ngayon ang pagkakaroon ng impaired blood
circulation, at maka-tutulong ang abokado sa pagpapaganda ng daloy ng
dugo, sa kabila ng pagiging fatty food na may mataas na caloric index.
Ito angdahilan kung bakit ang abokado ay inirerekomenda para sa may mga
edad at matatanda, dahil pinipigil kundi man pinababagal ang ating
cognitive abilities.
6. AVOCADOS CAN REDUCE THE RISK FOR BREAST CANCER
Sa
nakalipas na ilang taon ay tumaas ang incidence rate ng breast cancer,
at ito ay kilala sa pagiging isa sa pinaka-agresibong uri ng kanser.
Mabuti na lang dahil ang balanseng dieta na kabilang sa kalahating
abokado kada araw ay maaaring makabawas sa banta ng breast cancer,
salamat sa mataas na content nito ng monounsaturated oleic fatty acid,
vitamin E at lutein. Hindi lamang mayaman ang abokado sa mga
carotenoid, kundi nakatutulong din sa ating katawan na makapag-absorb ng
mga carotenoid mula sa iba pang mga prutas at gulay. Mainam din ito
sapagpigil ng prostate cancer, at pinaniniwalaang pandagdag sa treatment
scheme ng nasabing sakit dahil ang tocopherol sa abokado ay
nakapag-i-inhibit ng paglago ng mga androgen-dependent prostate cancer
cell, ayon sa pag-aaral na lumabas sa Journal of Nutritional
Biochemistry. Pinahihinto din ng bitamina E ang tinaguriang mga
‘signaling agent,’ na nagbibigay stimulasyon sa produksyon at
reproduksyon ng mga cancer cell, para pabagalin ang progreso ng kanser
sa ating katawan.
Paalala:
Sa pagsuma ng lahat ng datos at
pag-aaral, nararapat lamang na maging bahagi ng pang-araw-araw na dieta
ang abokado, sa anomang paraan na ikokonsumo ito. Alin man sa dahilang
masarap ito o nais lang maging malusog, ang superfood na ito ay
maraming benepisyo para sa atin. Gayon pa man, nararapat din mag-ingat
na hindi lumabis sa recommended daily amount sa pagkain ng abokado,
dahil ang prutas na ito ay fatty at maaaring magkaroon ng opposite
effect kung kakainin nang marami—lalo na kung kokonsumuhin para sa mga
weight-loss property at high fiber content nito.